Monday, October 13, 2008

Memories in Candies

I was eating candy to keep myself awake while driving a few days ago. And I remembered this e-mail I received about the candies whcih accompanied my childhood. Someone actually reminisced about it and wrote about it. The e-mail seems to have changed hands a lot of times that the writer's identity has gotten lost in transit.

I thought I'd post it here (with slight editing. Sorry, I can't help it. I have this compulsion.). Whoever is the writer, I apologize, I mean no harm. I just want to share in your reminiscing.

Hindi maitatwa na ang kendi ay naging malaking parte ng kabataan natin. Mga makukulay, mababango (although minsan may maantot), at masasarap na kending lalong nagpasaya sa atin at minsang nagpaiyak din dahil sa sakit ng ngipin na dulot nito. Balikan natin ang mga kending namayagpag at pumukaw sa mga puso at tastebuds namin nung panahon ko.

1. KENDI MINT - eto ang kending kanunu-nunuan pa ng Dynamite. Ang official na kendi ng mga taong may itinatagong poot sa kanilang kaloob-looban. Mint candy sya(malamang?!) na may lamang chocolate o cocoa na mamasa masa sa pinakagitna. Kulay green ang wrapper nya na may nakaimprentang eskimo na nakangiti at parang gustong magpasubo na.

2. LIPPS - ang kendi ng mga batang malalandi. Cherry flavor na kendi na gawa sa benadryl (ayon sa pakilasa ko yan ha, mapait kase) at sandamakmak na pulang food coloring. Sobrang makulay sa bibig, kadalasang ginagawang panghalili sa lipstik ng mga bata o di kaya dugo effect sa larong aswang-aswangan. Payak lang ang wrapper, kulay puti at pula, tapos nakalagay LIPPS.

3. VIVA! - ang kendi na ayaw na ayaw ni Mother Lily. Caramel candy sya na mukhang t** at mukhang hindi masarap bilhin, lalo na ang kainin. Kulay t** din ang wrapper nya at mas mamatamisin mo pa sigurong i-kendi ang naptalina kesa sa kending ito.

4. WHITE RABBIT - ang bi-sexual na kendi. Dalawa kase ang klase. May tinatawag na local at imported. Parang vivang pinahaba lang ung local version, toffeecaramel ang flavor at bukod dun eh wala nang ibang misteryong mahihita pa sa kanya. Kulay puti at super milking nougat naman yung imported. Bukod dun sa chinese character na nakaimprenta sa wrapper nya, eto ang pinakapambato ng white rabbit imported, ang kanyang inner wrapper na pwedeng kainin at pagsaluhan ng buong pamilya.

5. PINYA - hindi ko alam kung ano ba talaga ang lehitimong tawag sa kendi na ito, pero dahil hindi tayo masyado sure ay itago na lang natin sya sa pngalang pinya. Sya ang kending pinakafashionista ang wrapper dahil mukha syang pinya. Bagsak lang sya sa itsura ng wrapper dahil mukang tapeteng mura lang per yarda ang itsura nito. At ang lasa...pinya. Malamang.

6. VICK'S - ang kendi ng mga batang may kakambal o ng mga batang sadyang madamot lang tlga at pinalaking dupang? Vicks candy. Mentholated ang vicks at dalawang piraso sya ng kendi sa isang maliit na pack na hugis inverted triangle. Pinaniniwalaan ng mga bata na nakakapagpaluwag ng paghinga. Hindi ko alam kung associated talaga ang nakagisnan naming vicks candy sa vicks na pamahid sa sinisipon.

7. BUTTER BALL - ang kendi na mga batang maymalalaking bibig. Ito ang Peter's Butterball, ang pinakamasarap sa lahat ng caramel candies. Bilog syang candy na mejo may kalakihan ang hulma kung sa bata ipapasubo. Sosyal ang wrapper dahil ito ata ang pinakaunang kendi na nasa pillow pack at kulay peach pa. bsta masarap, husto na yun.

8. ORANGE SWITS - ang ina ng mga gummi bears at potchi. Malalambot na orange slices na pinatihaya, pinadapa at pinagulong-gulong sa asukal hanggang sa magtanda. Apat na slices per pack at mas madalas na makitang binebenta ngayon ng mga takatak boys kesa sa sari sari stores.

9. TOOTSIE ROLL - isa sa pinakasikat ng kendi nung panahon ko. Sa sobrang kasikatan eh nagkaroon pa ng dance craze na tribute sa kanya nung early 90s. Caramel candy din ang tootsie roll na kasing-haba ng mongol na makatatlong beses ng tinasahan. Bukod sa pwede syang kainin at sayawin ay pwede din syang itapal sa ngipin para magmukang bungal at yun ang pinakamasayang purpose ng tootsie roll.

10. ALMO - ang pinagmulan ng mga ovalteenies. Chocolate candy sya na mukhang mga tabletang panlunas sa sipon at lagnat. Nakalagay sa makulay at maliit na foil pack at kadalasang nakasabit sa tindahan dahil dugtong dugtong sya. Masarap ang Almo lalu na kung hindi mo sariling pera ang pinambili.

11. HAW FLAKES - ang buhay na patunay na hindi sa ikatlong baitang sa elementarya unang nagaganap ang pangungumunyon ng mga bata. Ang haw flakes ay kending galing pa ng tsina at naging saksi sa barter trade system. Mas kilala sa tawag na "oscha" dahil sa kakatwang itsura nito. maninipis at kulay maroon na amoy pawisang singit ng bata (maasim). Nevertheless may basbas at sagrado. Dito nagsisimula ang damdaming makadiyos at madasalin kaya ibahin nyo ang haw flakes. Ang kending galing sa langit.

12. KENDING HUBO - also known as neto, nyan o dutdut motion. Pabili nga po neto, pabili po nyan, o di kayadutdut na lang dun sa garapon. Ganyan ang kending hubo.ang kending walang sapat na pagkakakilanlan at impormasyon sa sarili. Muka syang holen na iba-iba ang kulay at flavor (kadalasan citrus/fruity) . May budbud syang asukal sa paligid at kadalasang nakalagay sa malaking garapon ng lady's choice.

13. LALA - ang pinakamasarap ng tsokolate sa mundo ng pagkabata. Mas kilala sa tawag na "milo", ang lala ay gawa sa purong cocoa (sige magmarunong tayo sa ingredients) na hinulma into small rectangular chocolate bars na may naka-emboss na parang rehas ng veranda. Sobrang masarap at sobrang tindi din kung magpasakit ng ngipin, Nevertheless masarap. Yun naman ang importante eh.

14. CHOC-NUT - ang hall of famer sa lahat! Siya ang pinakasikat na kendi (o kung anumang tawag sa klase nya) sa balat ng Pilipinas. Gawa sa natuyong peanut butter at chocolate na hanggang ngayun ay hndi ko makapa ang lasa, na binalot sa palara. All-time favorite na panghimagas o pampalipas oras. Chocnut is simply the best(naks! parang HBO)?

What about you? What candies defined your childhood? Maybe we can do the chewing gums & bubble gums next time (Big Boy, Bazzoka Joe, Chiclet, etc.).

2 comments:

iluzionada said...

haha blast from the past! i remember eating 12 out of the 15 candies posted there. sayang nga lang kasi yung white rabbit eh may melamine daw (bastos na mga intsik yan).

may traumatic memory nga lang na dala sa akin ang butterball. i remember that i almost choked on one...pagkasubo ko, dire-direcho sya sa lalamunan ko, ayun. pero masarap nga yun, promise.

Anonymous said...

hahaha! sobrang memorable sakin yung lipps. kunyari naturally reddish lips ko nun... pero sa totoo linamutak ko yung lipps sa labi ko. I'd kill for the vicks candy again! how i wish they would still make those! :)